Nakatanggap muli ang Rehiyon Dos ng mga donasyon mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office sa Tuguegarao City Hall, Enrile Avenue, Carig, Tuguegarao City, Cagayan noong April 4, 2022.
Nakatanggap ang rehiyon ng mga patient transport vehicles na nagkakahalaga ng Php22,000,000 para sa mga munisipalidad ng Allacapan, Amulung, Aparri, Buguey, Enrile, Gattaran, Piat, Rizal, Sanchez Mira, Sto. Niño at Maconacon, Isabela.
Nakatanggap din ng mga gamot na nagkakahalaga ng Php150,000 at financial assistance na Php300,000 para sa mga isasagawang charitable activities ng Police Regional Office 2, Cagayan Police Provincial Office at Solana Police Station.
Bukod dito, nagsagawa din ng signing of Memorandum of Agreement para sa Institutional Partnership Program.
Lumahok sa aktibidad sina Ms. Royina Garma, PCSO Vice Chairperson at General Manager bilang Guest of Honor and Speaker; City Mayor ng Tuguegarao City; PBGen Romaldo Bayting, Deputy Regional Director for Administration, PRO 2; PCol Renell Sabaldica, Provincial Director, Cagayan PPO; Logistics and Supply Officer ng Cagayan PPO; at mga stakeholders.
Laking pasasalamat ng mga mamamayan sa Lambak ng Cagayan dahil sa walang humpay na suporta ng PCSO sa Rehiyon.
Dahil sa kanilang tulong ay mas naipapaabot ang mga serbisyo ng pamahalaan kahit sa mga kababayan nating nasa malalayo at liblib na lugar pati na sa mga coastal areas.