23.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Reformist ng Balay Silangan, sumailalim sa KATROPA at Population Lectures

Sumailalim ang labing isang reformists mula sa Balay Silangan, isang bagong tayong rehabilitation facility ng Dagupan City sa Pangasinan para sa mga drug offenders na pinasinayaan kamakailan ni Hon. Mayor Belen Fernandez.

Ayon kay City Population Officer Malen Pilon, ilan sa mga ibinahagi nilang kaalaman ay tungkol sa Kalalakihang Tapat sa Responsibilidad at Obligasyon sa Pamilya (KATROPA) sa pamamagitan nina Katropa President Bernard Tuliao, Renante Miranda at Focal Person Jerome Espeleta.

Sa tulong ni Ariza Ubando, isang empleyado ng City Social Welfare and Development ng Dagupan City, ipinaalam sa mga reformists, na binubuo ng sampung lalaki at isang babae, ang mga bagay tulad ng Responsible Parenthood and Family Planning, Adolescent Health and Development, Population Development Integration, Libreng Kasalan, Pre-Marriage Orientation Seminar, Pag-resupply ng Family Planning Commodities sa kasalukuyang mga user, at iba pa.

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr na kinakailangan ng whole-of-nation approach upang matiyak na ang bansa ay makawala sa paglaganap ng ilegal na droga sa pamamagitan ng pag-iwas, paggamot, rehabilitasyon, at pagpapatupad ng batas.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles