Nahuli ng mga tauhan ng Baguio City PNP ang isang Red-Tailed Green Rat Snake sa Loakan, Baguio City nito lamang ika-13 ng Nobyembre 2022.

Ayon sa Baguio PNP, nakuha nila ang nasabing ahas sa bahay ng isang residente na humingi ng tulong sa kanilang himpilan.
Agad namang nakipag-ugnayan ang mga awtoridad sa Northern Exotics and Wildlife Troopers o NEWT.
Labis naman ang pasasalamat ng Northern Exotics and Wildlife Troopers sa pulisya dahil sa maagap na pagresponde at koordinasyon ng Baguio PNP na naging dahilan ng pagkakaligtas ng naturang ahas.