22.5 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

PWDs sa Santa Marcela, nakatanggap ng libreng wheelchair at mga gamit

Namahagi ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng libreng wheelchair at mga gamit pangsuporta sa pitong Persons with Disabilities (PWDs) sa Santa Marcela nito lamang ika-9 ng Setyembre 2024.

Naging matagumpay ang aktibidad dahil sa pagtutulungan ng mga Local Government Unit ng Apayao sa pangunguna ng PSWDO katuwang ang MSWDO at Provincial office ni Governor Elias C. Bulut.

Kabilang sa mga benepisyaryo ay isang senior citizen, limang matatanda na wala pang 60 taong gulang at isang bata ang nabigyan ng 3 standard wheelchairs, 2 pediatric wheelchairs, isang pares ng saklay at isang hearing aid. Ayon kay Ginang Hannah Gumidam, PWD Focal Person, maliban sa mga gamit na ipinamahagi ay may iba pang mga benepisyo na maaaring makuha ng mga PWDs gaya ng grocery items na ipamimigay ng dalawang beses kada isang taon at isang espesyal na programa na kung tawagin ay Medium for IyApayaos Deprived by Disability Entitlement Program (MIDDE).

Bukod pa rito, mayroon din programang nakalaan para sa mga mag-aaral na PWDs gaya ng educational assistance para sa mga Learners with Special Education Needs (LSENs) at PWD students sa mga regular na paaralan mula elementarya hanggang high school at iba pa.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga PWD beneficiaries at umaasa silang mas marami pang kapwa nila na PWDs sa ibang lugar ang matulongan ng mga ahensya ng gobyerno.

Ang matagumpay na aktibidad ay bilang pagsuporta sa kasalukuyang kampanya ng pamahalaan na Bagong Pilipinas, kung saan layunin nitong makapagbigay ng maayos, may prinsipyo at maaasahang serbisyo publiko para sa lahat ng mga mamayan anumang katayu-an sa buhay, kasarian, edad, paniniwala o relihiyon.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles