20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

PWDs, nakatanggap ng tulong pinansyal at bigas sa Angeles City

Nakatanggap ng tulong pinansyal at bigas ang mga miyembro ng Persons with Disabilities (PWDs) mula sa Pamahalaang Lungsod ng Angeles sa Barangay Virgen Delos Remedios, Angeles City, Pampanga nito lamang Lunes, ika-25 ng Nobyembre 2024.

Personal na inihatid ito ng mga miyembro ng Persons with Dissabilities Affairs Office.

Kabilang ito sa programa ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., na matiyak ang kapakanan ng mga PWDs. Nakatanggap ng Php1,000 financial assistance at bigas ang mga benepisyaryo na makakatulong para maibsan ang kanilang pinansyal na pasanin at matulungan makaraos sa araw-araw na gastusin.

Ang pagpapatupad ng mga programa para sa mga PWDs ay sumasalamin sa pagkilala at pagmamalasakit sa pamamagitan ng pagtugon sa kanilang mga pangagailangan.

Patuloy na naghahatid ng serbisyo at sumusuporta sa iba’t ibang programa ang ating pamahalaan upang matiyak ang pantay na oportunidad at sapat na pagkalinga para sa lahat, lalo na sa mga sektor na higit na nangangailangan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles