Nakatanggap ng tulong pinansyal at bigas ang mga miyembro ng Persons with Disabilities (PWDs) mula sa Pamahalaan ng Angeles City sa Barangay San Jose, Angeles City, Pampanga nito lamang Martes, ika-26 ng Nobyembre 2024.
Personal na inihatid ito ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., at mga miyembro ng Persons with Dissabilities Affairs Office.
Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng Php 1,000 na pinansyal na tulong at bigas na makatutulong upang maibsan ang kanilang pang-araw-araw na gastusin.
Ang inisyatibang ito ay nagpapakita ng pagsusumikap ng lokal na pamahalaan na magbigay ng serbisyo at tugunan ang mga pangangailangan ng PWDs, bilang bahagi ng kanilang pangakong malasakit at pagkilala sa kanilang kontribusyon sa komunidad.
Patuloy na itinataguyod ng pamahalaan ang mga programang naglalayong maghatid ng pantay na oportunidad at sapat na suporta para sa mga nangangailangan.