13.9 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

PWDs na mga Pangasinense, nagpasiklaban ng galing sa pag-awit

Galing sa pagkanta ang tampok ng mga Person With Disabilities (PWDs) sa isinagawang “Harmony Hope Concert for a Cause” na ginanap sa Sison Auditorium Lingayen, Pangasinan nito lamang ika-4 ng Disyembre 2024.

Daan-daang mga PWDs kasama ang kanilang mga pamilya galing sa iba’t-ibang distrito sa lalawigan ng Pangasinan ang dumalo upang tunghayan at suportahan ang mga kalahok.

Ang mga naghatid ng tinig at saya ay ang Songwriters of Pangasinan (SOP) Artist at The Voice of PWD.

Ang pondong nakalap ay mapapunta sa mga children’s with disabilities.

Naisigawa ang concert for a cause dahil sa suporta ni Governor Ramon V. Guico III, First Lady Maan Guico, at Vice Governor Mark Lambino.

Matagumpay na naisakatuparan ang aktibidad sa dedikasyon ng PSWDO, PDAO, Pangasinan Federation of Persons with Disabilities, INC. L.I.K.H.A., Songwriters Association of Pangasinan, at Gig with Benefits.

Personal na dumalo sina Vice Governor Mark Lambino, 2nd District Board Member Philip Theodore Cruz, at ang kinatawan ni Governor Guico at First Lady Maan Guico na si Atty. Jamie Melchor.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles