Nakatanggap ang isang Person With Disability (PWD) ng libreng wheelchair mula sa Lokal na Pamahalaan ng Angeles City sa Barangay Pulung Maragul, Angeles City nito lamang Biyernes, ika-15 ng Disyembre 2023.
Pinamunuan ito ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City.
Nagpasalamat ang Nanay ng benipisyaryo sa ibinigay na tulong sa kaniyang butihing anak mula sa Local Government Unit (LGU) ng Angeles City.
Malaking tulong ito sa kaniyang pang araw-araw na pamumuhay na kung saan maayos na makakaupo ang kanyang anak na may kapansanan.