13.8 C
Baguio City
Thursday, January 23, 2025
spot_img

PVET nagsagawa ng pagsasanay sa mga meat inspector ng Cagayan

Sumailalim ang labing-siyam (19) na meat inspector sa Cagayan sa dalawang araw na pagsasanay kaugnay sa “Capacity Building for Enforcement Personnel” na pinangunahan ng Provincial Veterinary Office (PVET) na ginanap sa Taj Hotel, Tuguegarao City noong Nobyembre 21-23, 2023.

Ayon sa PVET, naging katuwang nila sa pagsasanay ang National Meat Inspection Services o NMIS Region 2 at Bureau of Animal Industry (BAI) na nagbigay ng mga kaalaman at gabay sa mga meat inspector sa lalawigan.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga kalahok na mabisita at masuri ang mga ibinebentang karne sa Don Domingo Public Market sa Tuguegarao City.

Mabusisi nilang sinuri ang mga panindang karne kung ang mga ito ba ay double dead at kung nakatay sa slaughter house.

Partikular din nilang sinuri ang tamang handling ng karne at kanilang inalam kung ang mga nagtitinda ay may mga kaukulang dokumento.

Samantala, sa isinagawang inspeksyon dalawang (2) kilo ng atay ng baboy ang hindi pumasa sa inspection code kaya agad na nagbigay ng notice for inspection ang PVET sa violator.

Naging katuwang ng grupo ang kapulisan ng lungsod ng Tuguegarao City sa isinagawang inspekyon sa nasabing pamilihan upang maiwasan ang aberya sa pagitan ng mga meat vendor at meat inspector.

Source: CPIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles