22.7 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

PVET, nagsagawa ng Bird Flu Surveillance sa Solana, Cagayan

Matagumpay na isinagawa ng Provincial Veterinary Office (PVET) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang surveillance hinggil sa sakit ng mga alagang hayop na avian influenza o bird flu virus sa Solana, Cagayan noong Agosto 21, 2024.

Ayon kay Dr. Wilfredo S. Iquin Jr., Supervising Agriculturist ng PVET, nakapagkolekta sila ng 240 blood samples sa mga pato, manok, itik, at pabo sa bayan ng Solana upang masuri kung ang mga ito ay apektado ng virus.

Naisumite naman na umano ang mga nakolektang dugo sa Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory (RADDL) sa Tuguegarao City.

Dagdag pa ni Dr. Iquin na magpapatuloy ang naturang hakbang ng PVET sa iba pang bayan tulad ng Sta Teresita, Gonzaga, Sta. Ana, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Enrile, Claveria, Sanchez Mira, Ballesteros, at Peñablanca upang matiyak na ligtas ang mga naturang hayop sa lalawigan sa sakit na bird flu.

Ang surveillance ay dalawang beses sa isang taon na isinasagawa ng PVET lalo na sa mga coastal area at may mga lawa na kadalasang pinupuntahan na mga migratory bird na posibleng carrier ng sakit na bird flu na maaaring dumapo sa mga pato, pabo, manok, gansa, at itik.

Samantala, isinabay na rin ng PVET ang surveillance ng food and mouth disease at african swine fever sa slaughter house ng Solana upang matiyak na ligtas ang mga hayop sa naturang pasilidad.

Layunin nito na maging avian influenza free na ang Solana at buong Cagayan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga hayop at ng mga mamamayan.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles