Nagsagawa ng pagpupulong ang mga miyembro ng Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) noong ika-22 ng Agosto 2024 sa Barangay Poblacion Oeste, Dagupan City, Pangasinan.
Layunin nito na tugunan ang mga isyu ng karahasan laban sa kababaihan at mga bata, at upang isulong ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao at mapalakas ang mga hakbang at estratehiya upang tuluyang matuldukan ang mga mapang-abusong gawain.
Dumalo din sina R1MC WCPU Head Dr. Rhodora Maron, Dr. Pamela Defensor, Ms. Melody Ann Montemayor, Ms. Mart Joy Alumno, Ms. Jamaica Viňas, at City Legal Officer Atty. Aurora Valle.
Patuloy ang komite sa pagsusumikap na makamit ang isang lipunang malaya sa karahasan, kung saan ang bawat tao, anuman ang kasarian, ay magkakaroon ng pantay na karapatan at pagkakataon.