21.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

PUJ drivers, tatanggap ng Php6.5K fuel subsidy sa Rehiyon 1

Tatanggap ng Php6,500 halaga ng fuel subsidy mula sa gobyerno ang mga operator ng Public Utility Jeepneys (PUJ) sa Rehiyon 1 sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay LTFRB Chairperson Martin Delgra III, ang subsidy ay hindi lamang makatutulong sa mga PUJ drivers na makayanan ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo kundi titiyakin din nito na ang mga pangangailangan sa transportasyon ng mga commuting public ay walang sagabal.

Karamihan sa mga benepisyaryo ay nagmula sa Pangasinan na may bilang na 2,333, Ilocos Norte na may bilang na 861, La Union na may bilang na 759, at Ilocos Sur na may bilang na 56 na operator.

Ang subsidy ay ipinadala sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines (LBP) kung saan ang mga driver-beneficiaries ay bibigyan ng mga ID card na maaari nilang i-swipe sa mga partner na gasolinahan habang ginagamit nila ang Php6,500 halaga ng fuel assistance.

Isa itong patunay na ang ating gobyerno ay hindi papabayaan ang ating mga manggagawa sa ano mang sektor kung saan palagi silang bumubuo ng mga proyekto na maaari nilang ihatid sa mga mamamayan para sa ikauunlad ng kanilang pamumuhay.

Source: Philippine Information Agency 1

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles