13 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

Public Hearing ukol sa pagbabawal sa mga kolorum na tricycle at pagpapakabit ng mga CCTV, isinagawa

Nito lamang ika-14 ng Mayo 2024, nagsagawa ang Sangguniang Bayan ng Bayambang, Pangasinan ng isang public hearing para talakayin ang dalawang panukalang ordinansa tungkol sa kolorum na tricycle at ang paglalagay ng mga CCTV sa mga pampublikong lugar. Ang hearing na ito ay inorganisa ng Office of the SB Secretary at ginanap sa Balon Bayambang Events Center.

Dumalo sa nasabing hearing ang mga TODA President, ilang estudyante, at mga barangay officials ng Bayambang.

Ang unang panukala, “An Ordinance Prohibiting the Operations of Colorum Tricycle for Hire in the Municipality of Bayambang and Providing Penalties for Violation Thereof,” ay tumatalakay sa pagbabawal sa mga tricycle na walang prangkisa. Layunin nitong mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga pasahero mula sa panganib na dulot ng mga hindi lisensyadong drayber at traysikel.

Ang ikalawang panukala, “An Ordinance Requiring the Installation of Video Surveillance Camera or Closed-Circuit Television (CCTV) System in All Business Establishments, Commercial Complexes, Public Buildings, Schools and other Learning Institutions in the Municipality of Bayambang and Providing Penalties for Violation Thereof,” ay naglalayon na mapabuti ang seguridad at kapayapaan sa pamamagitan ng paglalagay ng CCTV.

Sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, mababantayan ang mga aktibidad ng mamamayan at agad na maaksyunan ang anumang insidente ng kriminalidad sa iba’t ibang pampublikong lugar sa Bayambang.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles