13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Public Hearing tungkol sa Asian Swine Flu Prevention, isinagawa sa Narvacan, Ilocos Sur

Pinangunahan nina Sangguniang Bayan Member Joven Ampo Jr., at Municipal Agricultural Officer Garry Cardona sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Pablito Sanidad ang pampublikong pagdinig sa nakabinbing ordinansa na magtatatag ng African Swine Fever Prevention and Preparedness Program at ang pagbuo ng Bantay ASF sa bawat barangay sa Bayan ng Narvacan, Ilocos Sur nitong Biyernes, ika-27 ng Oktubre 2023.

Kaagad na magpapataw ng kaukulang multa sa mga lalabag sa sandaling maaprubahan ang ordinansa.

Matatandaang mahigpit na ipinag-utos ni Narvacan Mayor Pablito Sanidad ang pag-aangkat ng karne nang walang kumpletong dokumentasyon lalo na kung ito ay nagmumula sa ASF endemic areas.

Binigyang-diin sa pampublikong pagdinig ang kahalagahan ng pagsubaybay sa mga ilegal na inangkat na baboy sa lokalidad, pagbabawal ng pagkatay ng mga alagang baby sa mga nayon at iba pang mahahalagang isyu.

Ang public hearing ay dinaluhan ng mga hog raisers, meat vendors, barangay captains, barangay tanods, at iba pang concerned parties.

Source: Municipal Government of Narvacan, Ilocos Sur

Panulat ni Malayang Kaisipan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles