Tuloy-tuloy na umarangkada ang Walang Plastikan-Plastik Palit Bigas Project ng Angeles City Local Government Unit (LGU) sa Barangay Cutcut, Angeles City nito lamang Biyernes, ika- 19 ng Hulyo 2024.
Ang programang ito ay inisyatibo ng pamahalaang lungsod simula pa noong maupo si Mayor Carmelo Lazatin Jr. sa pangunguna ni Chief Adviser IC Calaguas.
Nakatanggap ang mga Angeleños ng kilo-kilong bigas kapalit ng kanilang mga nakolektang plastik mula sa kanilang lugar.
Malaking pasasalamat at tuwa ang naramdaman ng ating mga kababayan na nakatanggap ng tulong dahil malaking ginhawa ito sa kanilang pang-araw-araw na pagkain.
Patuloy ang Pamahalaan ng Lungsod ng Angeles sa paglilingkod at pagbibigay ng serbisyo, at hinihikayat ang mga kababayan na sanayin ang kanilang sarili sa wastong pagsegregate ng basura at mabawasan ang paggamit ng plastik sa kanilang lugar.
Source: Angeles City Information Office