20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Proyektong Walang Plastikan – Plastik Project, patuloy na umarangkada

Tuloy-tuloy ang Walang Plastikan-Plastik Palit Bigas Project ng Angeles City Local Government Unit (LGU) sa Barangay Ninoy Aquino, Angeles City nito lamang Biyernes, ika-30 ng Agosto, 2024.

Ang programang ito ay inisyatibo ng pamahalaang lungsod simula pa noong maupo si Mayor Carmelo Lazatin Jr. sa pangunguna ni Chief Adviser IC Calaguas.

Nakatanggap ang mga Angeleños ng kilo-kilong bigas kapalit ng kanilang mga nakolektang plastik mula sa kanilang lugar.

Malaking pasasalamat at tuwa ang naramdaman ng ating mga kababayan na nakatanggap ng tulong dahil malaking ginhawa ito sa kanilang pang-araw-araw na pagkain.

Patuloy ang Pamahalaan ng Lungsod ng Angeles sa paglilingkod at pagbibigay ng serbisyo, at hinihikayat ang mga kababayan na sanayin ang kanilang sarili sa wastong pagsegrega ng basura at mabawasan ang paggamit ng plastik sa kanilang lugar.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles