16.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Proyektong Walang Plastikan-Plastik kapalit ng bigas, muling umarangkada sa Angeles City

Muling umarangkada ang Walang Plastikan-Plastik Palit Bigas Project ng Angeles City Local Government Unit (LGU) sa Barangay Anunas, Angeles City nito lamang Biyernes ika- 24 ng Mayo, taong kasalukuyan.

Ang programang ito ay isang inisyatibo ng pamahalaang lungsod simula pa noong maupo si Mayor Carmelo Lazatin Jr. sa Angeles City na pinamunuan ni Chief Adviser IC Calaguas.

Nakatanggap ang mga Angeleños ng kilo-kilong bigas kapalit ng kanilang mga nakolektang mga plastik sa kanilang lugar.

Laking pasasalamat at tuwa ng kanyang mga kababayan na nakatanggap sila ng tulong para sa kanilang pang-araw-araw na pagkain.

Patuloy ang Pamahalaan ng Lungsod ng Angeles na maglilingkod at magbibigay ng serbisyo at hikayatin na sanayin ang mga kababayan ng waste segregation at mabawasan ang paggamit ng plastik sa kanilang lugar.

Source: Angeles City Information Office

Panulat ni Marimar J Junio

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles