Patuloy na umarangkada ang Proyektong Walang Plastikan-Plastic Palit Bigas para sa mga residente ng Barangay San Nicolas, Angeles City nito lamang Lunes, ika-17 ng Hunyo 2024.
Ang nasabing proyekto ay inisyatibo ng naturang lungsod sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City.
Ang isang kilo ng recyclable na plastik ay katumbas ng isang kilo ng bigas.
Ang mga makokolektang plastik ay gagawing brick pavers.
Ang aktibidad ay may layuning hikayatin ang mga kababayan ng Angeles City na magsagawa ng wastong paghihiwalay ng mga basura sa kanilang tahanan, pati na rin ang pagbawas at tuluyang pag-alis ng paggamit ng mga plastik sa komunidad.