19.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Proyektong Palit Basura – My Kalikasan Savings ng Pamahalaan ng San Ildefonso, muling umarangkada

Muling umarangkada ang proyektong “Palit Basura – My Kalikasan Savings” ng Pamahalaan ng San Ildefonso sa Barangay Akle, San Ildefonso, Bulacan nito lamang Martes, ika-26 ng Nobyembre 2024.

Ang programang ito ay inisyatibo ni Mayor Gazo Galvez, katuwang ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) na pinamumunuan ni Mr. Michael Jordan Veneracion.

Nakatanggap ang mga residente ng biskwit, condiments, at de-lata kapalit ng mga plastik na kanilang nakolekta sa kanilang lugar.

Malaki ang tuwa at pasasalamat ng ating mga kababayan na nakatanggap ng tulong dahil nakapagbigay ito ng malaking ginhawa, lalo na sa kanilang pang-araw-araw na pagkain.

Ang proyekto ay naglalayong panatilihin ang kalinisan at kaayusan upang mabawasan ang polusyon at epekto nito sa kalusugan, alinsunod sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos para sa “Bagong Pilipinas.”

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles