15.1 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Provincial Health Office ng La Union, tiniyak na handa sa sakit na dulot ng tag-ulan

Matapos ideklara ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA) ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan sa bansa, mahigpit na pinag-iingat ng Provincial Health Office (PHO) ang mga residente ng La Union laban sa mga sakit na maaaring makuha ngayong tag-ulan.

Sa naging panayam kay Dr. Dan William Dacanay II, Provincial Health Officer 1 sa “Baro a Timek iti Kapitolio Radio Program”, sinabi nito na ang mga karaniwang sakit na kanilang binabantayan ngayong tag-ulan ay kinabibilangan ng dengue, leptospirosis, trangkaso, at mga water-borne diseases.

Sa datos ng Provincial Health Office (PHO) mula buwan ng Enero hanggang Mayo ngayong taon, nakapagtala lamang ng 37 kaso ng denque ang lalawigan, mas mababa ito kumpara sa datos na naitala noong nakaraang taon sa kaparehong mga buwan kung saan ay umabot pa ito sa 537 na kaso.

Bagamat mas mababa ang kaso ngayon, patuloy naman na pinag-iingat ang publiko sa banta nito matapos makapagtala ng isang patay ngayong taon dahil sa sakit na dengue.

Apat naman ang naitalang kaso ng leptospirosis sa lalawigan ngayong taon kung saan isa rito ang namatay.

Tiniyak ng PHO na nakahanda naman ang mga district hospitals sa lalawigan na tumatanggap ng mga pasyente maging ang suplay ng gamot at dugo ay nananatiling sapat.

Pinaigting naman ang isinasagawang fumigation o pagpapausok sa pangunguna ng PHO sa mga paaralan maging sa mga kabahayan bilang isang hakbang sa pag-iwas sa dengue kasabay ang kanilang pagsasagawa ng information drive sa mga bayan.

Patuloy ang pagtutok at pagtugon ng Provincial Government of La Union sa paghahatid ng mga serbisyong medical na kailangan at makakapagpabuti sa kalusugan ng mga residente sa lalawigan.

Hinihikayat naman ang lahat na sumunod sa mga ipinatutupad na hakbang upang maiwasan ang pagkakasakit ngayong tag-ulan. Dahil sa kooperasyon at pagtutulungan ng bawat isa ay patunay ito ng pagiging isang matatag na La Union.

Source: Provincial Government of La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles