Nagbigay saya ang Provincial Government of Batanes (PGB) sa mga senior citizens sa pagdiriwang ng Valentine’s Day noong ika- 14 ng Pebrero 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Gov. Marilou Cayco at Vice Governor Ignacio Villa kasama rin ang mga board members at local department heads ng PGB.


Ito ay dinaluhan ng mga senior citizens mula sa apat na munisipyo sa isla ng Batanes upang makilahok sa programa, kung saan puno at samo’t saring pagtatanghal ng mga awitin at sayaw ang mga senior citizens sa nasabing programa na lubos namang nagbigay aliw sa bawa’t isa.
Naging emosyonal naman si Governor Cayco sa kanyang pagbibigay ng mensahe sa mga senior citizens dahil ito ang magiging huling aktibidad ng mga ito sa kanyang huling termino bilang gobernador.
Binigyang kilala rin ang mga caregivers mula sa mga iba’t ibang munisipyo na matiyagang nangangalaga sa mga senior citizens, nagbahagi rin ng bulaklak sa mga senior citizens bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang ng Valentine’s day.
Sa mensahe naman ni Senior Citizens Federation President Agnes Viñas, inihayag nito ang lubos na pasasalamat sa gobernador at sa pamahalaan sa naging suporta nito sa mga senior citizens sa kanyang panunungkulan. Matapos ang naging programa ay namahagi naman ng ilang mga regalo sa mga senior citizens kabilang na rito ang tig-limang kilong commercial rice.
Source: Batanes Provincial Government