14.4 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Provincial Government, namahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga Distressed o Displaced OFWs

Isang makabuluhang inisyatiba ang isinagawa ng provincial government sa ikatlong distrito sa pamamagitan ng isang “Pangkabuhayan Caravan” noong ika-30 ng Agosto, 2024 sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.

Sa nasabing caravan ay may 50 na OFWs, kabilang ang anim mula sa Bayambang, ang nabigyan ng financial assistance na nagkakahalaga ng Php5,000 bawat isa.

Ang halagang ito ay ibinigay bilang business start-up capital upang matulungan silang makapagsimula ng maliit na negosyo at muling makabangon mula sa kanilang mga karanasan.

Bilang karagdagan sa pinansyal na tulong, ang mga benepisyaryo ay nagtapos din sa isang financial literacy seminar na naglalayong turuan sila ng tamang pamamahala ng pera, na kinilala sa pamamagitan ng pagbibigay ng sertipiko.

Sa programa, mainit na tinanggap ni Municipal Administrator Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, na kumatawan kay Mayor Niña Jose-Quiambao, ang mga panauhin kabilang sina Provincial Migrant Desk Officer Christopher Dioquino, Labor and Employment Officer III Rachel Jose, at ang kinatawan ni BM Shiela Baniqued na si Mr. Ariel Ferrer.

Ang Pangkabuhayan Caravan na ito ay patunay ng pagtutok ng lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng konkretong tulong at suporta sa mga distressed o displaced OFWs na bumabalik sa bansa, lalo na sa mga nangangailangan ng tulong sa muling pagsisimula ng kanilang kabuhayan.

Source: Balon Bayambang

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles