Bilang sentro ng agricultural development sa Western Pangasinan, nakikiisa ang lungsod ng Alaminos sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Arth Bryan C. Celeste sa isinusulong na Corporate Farming Program ni Governor Ramon V. Guico III nito lamang ika-07 ng Hulyo 2023.
Nagsilbing kinatawan ng Punong Lungsod sina City Vice Mayor Jan Marionne R. Fontelera at City Agriculturist Arceli Talania sa nasabing kaganapan.
Dumalo din si Board Member Apple DG Bacay, kasama ang mga miyembro at opisyal ng Barangay Cabatuan Alaminos City Farmers and Irrigators Association Inc. na benepisyaryo ng iba’t ibang farm inputs.
Panauhing pandangal si Undersecretary for Rice Industry Development, Dr. Leocadio S. Sebastian, CESO I, na siniguro ang buong suporta ng Department of Agriculture sa bagong flagship program ng provincial government.
Layon ng programa ni Gov. Guico na mas maiangat pa ang socio-economic status at ma-empower ang ating mga farmer-entrepreneurs sa pamamagitan ng convergence strategy, clustering approach at ang pag-maximize sa paggamit ng mga farm resources.
Matibay na suporta din ito ng Pangasinan government sa Masaga Program ng Department of Agriculture.