Pinangunahan ng Provincial and Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang Community Consultation and Medical Mission sa Barangay Uma, Lubuagan, Kalinga nito lamang Mayo 17, 2023.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng Kalinga 1st Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Major Ham Banag, Acting Force Commander.
Ang nasabing grupo ay nagbigay ng libreng serbisyo tulad ng medical consultation, dental, vaccination at circumcision.
Ang aktibidad ay tugon ng pamahalaan upang maipaabot ang iba’t ibang serbisyo para sa lahat ng mamamayan kaagapay ang PNP na katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan tungo sa pag-abot ng kaunlaran.