Muling umarangkada ang Project Tahilpa sa Barangay Lydia, Pudtol, Apayao nito lamang ika-12 ng Setyembre, 2024. Ang salitang “tahilpa” ay mula sa salitang Isneg na nangangahulugang binhi.
Sa nasabing aktibidad, ibinahagi ng mga tauhan ng Advanced Life Support (ALS) ng 1st Apayao PMFC sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Darwin Clark A Domocmat, Force Commander, ang kanilang kaalaman at kasanayan sa proseso ng paggawa ng sabon. Bukod dito, nag-alok din ang kapulisan ng libreng gupit para sa mga kabataan.
Dagdag pa rito, nagbigay ng makabuluhang talakayan si PEMS Honesto Gabuat Jr. patungkol sa 4 P’s ng terorismo kasama ang limang uri ng pang-aabuso sa mga kababaihan at kanilang mga anak.
Ang programang pangkomunidad na ito ay nagtataguyod ng maayos na relasyon at nagbibigay ng impormasyon sa publiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pampublikong serbisyo at pagbabahagi ng mga ideya.
Layunin nitong mabawasan ang kahirapan at magbigay ng mga pagkakataon para kumita ng dagdag na kita, na makakatulong sa pagpapabuti ng buhay ng mga indibidwal at pamilya.