16.5 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Project “PILED”, ibinida ng Manaoag PNP at LGU Manaoag

Ibinida ng Manaoag PNP at Local Government Unit ng Manaoag ang isa sa kanilang best practices na “PROJECT PILED” nitong araw ng Undas na may ibig sabihin na Police Presence to areas of convergence and Immediate response to crime, emergency and non-emergency calls and strict Law Enforcement for the Deterrence of Crime and strengthening of Community Engagement.

Ang “PILED” ay isang Ilocanong salita na sa tagalog ang ibig sabihin ay gulong. Dito kinuha ang ideya ng Project PILED kung saan nagkaroon ang Manaoag PNP sa tulong ng LGU Manaoag ng rolling police community precinct na mabilis na makakapunta sa lugar na kailangan nilang respondehan.

Napapanahon naman ang naturang proyekto sapagkat dahil dito, mas bumilis ang aksyon ng kapulisan ng Manaoag.

Samantala, nangangako naman ang Mangaldan PNP at LGU Manaoag na patuloy silang magsasagawa ng mga proyekto at aktibidad kung saan prayoridad nila ang kaligtasan at katahimikan ng kanilang nasasakupan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles