Isang inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Alaminos ang isinagawang “Rehistro Bulilit” na naglalayong mabigyan ng National ID ang mga batang nasa edad 1 hanggang 4 na taong gulang sa pamamagitan ng City Civil Registry Office, na nagsagawa ng programa sa Alaminos City Sports Complex noong Lunes, Agosto 26, 2024.
Sa pagdiriwang, nagbigay naman ng mensahe sina Board Member Apolonia DG Bacay, Registration Center Supervisor Sharon S. Dela Cruz, at si CGDH-I Lovely D. Milles bilang kinatawan ni City Mayor Arth Bryan C. Celeste.
Ang programang ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng gobyerno upang maabot ang bawat mamamayan, lalo na ang mga bata, para sa mas inklusibong sistema ng pagkakakilanlan at pag-access sa mga benepisyo mula sa gobyerno.
Source: LGU-Alaminos City, Pangasinan