23.8 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

Programa sa pagbibigay ng Kagamitan para sa mga biktima ng Bagyong Marce, inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Apayao

Inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Apayao ang isang programa para sa pagbibigay ng mga materyales sa mga residente na naapektuhan ng Bagyong Marce nito lamang Nobyembre 10, 2024.

Sa ilalim ng utos ni Gob. Elias C. Bulut, Jr., maaaring humingi ng tulong ang mga residente ng lower Apayao na ang mga ari-arian ay nananatiling sira o hindi pa naayos mula nang manalasa ang bagyo.

Kasama sa tulong na ito ang mga pangunahing materyales gaya ng yero, pako, at tie wires na mahalaga para sa pagpapatibay at pagpapanumbalik ng mga nasirang estruktura.

Ang tulong para sa mga residente ng upper Apayao ay susunod, upang masiguro na lahat ng apektadong komunidad sa lalawigan ay makakatanggap ng kinakailangang mga kagamitan para sa ligtas at maayos na muling pagbangon.

Layunin ng inisyatibong ito na magbigay ng napapanahong tulong sa mga nangangailangang residente ng Apayao, upang makabangon at maibalik ang kanilang mga tahanan matapos ang sakunang dala ng bagyo.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles