13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Programa para sa kalusugan ng mga health workers bibigyang prayoridad ng Mayor Elect ng Palayan City, Cabanatuan

Ipinahayag ni Palayan City Mayor-Elect Viandrei Nicole Cuevas nito lamang Lunes ika-20 ng Hunyo 2022 ang pagbibigay prayoridad niya sa kapakanan ng kalusugan ng mga healthcare workers.

Ayon kay Cuevas, isa sa mahalagang programa na isinusulong ng pamahalaang panlungsod na sinimulan ng kanyang ina na si outgoing Mayor Adrianne Mae ang pagsuporta sa mga healthcare workers partikular ngayong panahon ng pandemya.

Sa pamamagitan nito aniya ay nagagampanang mabuti ng bawat healthcare workers ang pag-aalaga at pagtulong sa mga nangangailangang mamamayan sa Palayan City.

Kanyang sinisiguro na patuloy na mararamdaman ng mga nabanggit na kawani sa siyudad ang pag-agapay ng pamahalaang lokal kagaya sa mga pangangailangan sa trabaho tulad ng pagkakaroon ng kumpleto at sapat na suplay ng Personal Protective Equipment.

Dagdag pa ni Cuevas, bahagi din ng matagumpay na kampanya ng pamahalaang lokal laban sa COVID-19 ang regular na monitoring at reporting ng mga nagkakasakit sa bawat barangay sa pamamagitan ng maayos at matatag na ugnayan.

Ayon pa kay Cuevas, maraming ipinatutupad na programang pangkalusugan ang pamahalaang lokal na nais ipagpatuloy sa pagsisimula ng termino bilang aklalde ng siyudad kabilang na ang libreng dialysis, pagtulong sa pagpapa-ospital, pamamahagi ng health card para sa mga higit na nangagailangang pamilyang Palayano nang may magamit pangtustos sa regular na gamutan gayundin ang distribusyon ng assistive devices sa mga Persons with Disability at mga senior citizen.

Inaabangan na ding matapos ang konstruksyon ng kauna-unahang ospital sa siyudad na inaasahang matatapos sa darating na Oktubre.

Ito ay ipinapatayo ng pamahalaang panlungsod na layuning maghatid ng dekalidad at abot kayang serbisyong medikal para sa lahat ng mga Palayano.

(CLJD/CCN-PIA 3)

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles