Itinalaga ang probinsiya ng Apayao bilang UNESCO 4th Biosphere Reserve of the Philippines sa 36th Man and Biosphere Reserve- International Coordinating Council Meeting na ginanap sa Agadir, Morocco nito lamang ika-5 ng Hulyo.
Dumalo sa aktibidad sina Honorable Elias Bulut Jr., Gobernador ng Apayao, kasama sina Apayao Lone District Representative, National Commission for Culture and Arts Representative, Philippine Eagle Foundation Executive Director at iba pang kasamahan mula sa iba’t ibang ahensya ng Apayao.
Ang UNESCO biosphere reserve ay mga lugar para sa pagsusuri ng mga interdisciplinary approaches para sa mas pag-unawa at mas pagpapaigting ng pamamahala ng mga pagbabago at interaksyon sa pagitan ng social at ecological system kabilang na ang conflict prevention at pamamahala ng biodiversity.
Binigyang diin ni Honorable Bulut Jr., sa kanyang acceptance speech na ang pagkabilang ng Apayao bilang isang biosphere reserve ay nagpapakita ng kahalagahan ng kolektibong responsibilidad sa paglikha ng isang kinabukasan kung saan uunlad di lang ang mga tao kundi pati ang kalikasan.
Ang pagkatalaga ng Probinsya ng Apayao bilang UNESCO Biosphere Reserve ay nagpapakita ng mas pinatibay na samahan at pagsusumikap ng mga kawani ng iba’t ibang ahensya at komunidad ng nasabing lugar sa pamamahala ng mga environmental resources ng Apayao at Cordillera.
Panulat ni Mamerta