13 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

PRO-CAR, nakilahok sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2024

Aktibong nakilahok ang mga personahe ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO-CAR) sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2024 na ginanap noong ika-26 ng Setyembre, 2024 sa Regional Headquarters (RHQ), Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet.

Layunin ng quarterly NSED 2024 na palakasin ang kahandaan ng publiko sa mga sakuna, lalo na sa lindol, sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga tamang hakbang na dapat gawin. Sa simula ng drill, isang sirena ang tumunog bilang hudyat upang simulan ang simulation.

Agad na isinagawa ng mga tauhan ng PRO-CAR ang “Drop, Cover, and Hold” protocol bago lumikas patungo sa itinalagang assembly area, ang Masigasig Grand Stand Ground at isinagawa ang accounting at debriefing. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Pelita P Tacio, Assistant Chief ng Regional Community Affairs and Development Division, mahalagang patuloy na paghandaan ang anumang uri ng emergency.

Nagbigaydin ito ng assessment at gabay upang mas mapabuti pa ang paghahanda ng bawat tauhan.

Ang aktibidad na ito ay isang mahalagang bahagi ng disaster preparedness program ng Bagong Pilipinas.

Ito ay hindi lamang isang simpleng pagsasanay kundi isang epektibong information operation na magpapataas ng kamalayan at kahandaan ng buong komunidad.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles