22.7 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Pre-Emptive Evacuation, isinagawa ng Pamahalaan ng Pampanga bilang paghahanda sa Super Typhoon Pepito

Nagsagawa ng pre- emptive evacuation ang Pamahalaan ng Pampanga, alinsunod sa utos ni Governor Dennis “Delta” Pineda, bilang paghahanda sa Super Typhoon Pepito sa mga residente ng Brgy. San Juan Baño, Arayat, Pampanga nito lamang Linggo, ika-17 ng Nobyembre 2024.

Pinangunahan nina Arayat Mayor Madir Alejandrino, MDRMMO Chief Jeffrey Venzon, at mga opisyal ng barangay ang monitoring at paglikas ng mga residente.

Nasa 84 na pamilya o 321 indibidwal ang inillikas, kasama sa kanilang ginawang preparasyon ang pagtukoy sa ligtas na evacuation centers at pagbibigay ng paalala tungkol sa kahalagahan ng maagap na paglikas.

Patuloy na hinihikayat ang mga residente na manatiling alerto at sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan para sa kanilang kaligtasan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles