15.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Prayer Rally for Peace, isinagawa sa Lalawigan ng Cagayan

Isinagawa ang isang prayer rally for peace sa Rizal Park Tuguegarao City na pinangunahan ng Prayer for Peace Cagayan Movement nitong araw ng Lunes, Abril 17, 2023.

Nasa 5,000 na concerned citizens mula sa iba’t ibang sektor ang nakiisa sa Rally for Peace kontra sa Enhanced Defense Cooperative Agreement o EDCA sites sa  lalawigan ng Cagayan.

Kinabibilangan ng agriculture sector, women sector, academe o sektor ng edukasyon, civil society group, senior citizen’s group, sektor ng kabataan, at ecumenical group ang mga dumalo.

Kabilang din ang mga barangay officials mula sa iba’t ibang munisipalidad ng probinsya.

Nagkaroon din ng pag-awit sa isang unity song kasabay ng candle-lighting.

Ang Prayer Rally for Peace ay para ipanawagan ang pagtutol ng mga mamamayang Cagayanos sa pagtatayo ng Enhanced Defense Cooperative Agreement Sites (EDCA) sa Cagayan.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles