15.3 C
Baguio City
Monday, March 10, 2025
spot_img

Potential Archeological Site sa Kalinga, binisita ng mga experto

Nagsagawa ng paunang pagbisita ang isang grupo ng mga arkeologo, paleontologist at iba pang eksperto mula sa Ateneo de Manila University, kasama ang mga internasyonal na institusyon at ang Pambansang Museo ng Pilipinas upang siyasatin ang isang potensyal na archaeological site sa Barangay Nambaran, Tabuk City, Kalinga nito lamang Marso 6, 2025.

Ang mga mananaliksik ay sinamahan ni nina Ms. Lorraine Ngao, Kalinga PLGU Tourism Officer, Ms. Aurora Amilig, Tabuk City Information Officer, at iba pang mga kawani ng CPIO, gayundin si G. Tony Ngaya-an, residente at isang miyembro ng Barangay Nambaran Council.

Sa panahon ng inspeksyon sa site, natagpuan ang mga natuyong kahoy at isang fossilized na ngipin ng hayop kung saan napag-alaman ng mga eksperto na ito ay isang fragment ng ibabang kaliwang molar ng isang elepante matapos masusing pagsusuri sa nasabing fossil.

Dahil sa mga positibong natagpuan sa mga natuyong piraso ng kahoy na nagkalat sa paligid, pati na rin ang fossilized na ngipin ng elepante, ipinaalam ng mga mananaliksik sa mga tauhan ng PLGU, CLGU, at opisyal ng Barangay na babalik ang naturang grupo para sa mas masusing pagsusuri sa lugar.

Bukod pa rito, hinimok ng mga mananaliksik ang mga opisyal ng barangay na protektahan ang anumang fossilized na buto na natuklasan at panatilihing ingatan ang lokasyon para sa pananaliksik sa hinaharap.

Samantala, malugod na tinanggap ni Mayor Darwin Estrañero, ang koponan at nagpahayag ng suporta at pananabik tungkol sa isinasagawang pagtuklas ng mga mayamang archaeological artifact.

Nangako din ito na patuloy na suportahan ang kanilang mga aktibidad sa pananaliksik na naglalayong matuklasan ang makasaysayang kahalagahan ng lungsod pati na rin ang posibilidad ng mga sinaunang sibilisasyon at species ng hayop.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles