20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Policy Forum sa R.A. 9344, inilunsad sa Baguio City

Naglunsad ng Policy Forum ang The Cordillera Regional Juvenile Justice and Welfare Committee na pinamumunuan ng Department of Social Welfare and Development Field Office CAR (DSWD-CAR) sa Baguio City nito lamang Nobyembre 25, 2024.

Ang Policy Forum ay nakatutok sa implementasyon ng Republic Act 9344 o ang Juvenile Justice Welfare Act of 2006 na na-amyendahan ng R.A. 10630.

Ito ay alinsunod pagdiriwang ng Juvenile Justice and Welfare Consciousness Week at tinaguriang “Tongtongan Di Mangay-aywan” at nilahukan ng Five Pillars ng Criminal Justice System mula sa iba’t-ibang probinsya at siyudad sa Cordillera.

Itinampok din sa kaganapan ang salient features ng R.A. 9344, mg ana-amyendahan, at updates kasabay ng pamamahagi ng kanilang magagandang gawi, at testimonial para sa tagumpay ng mga Child in Conflict with the Law (CICL) para sa kanilang ikalawang buhay at pagkakataon.

Nilahukan din ito nina Baguio City Family Court Judge Modesto Bahul Jr., Benguet Family Court Judge Melita Amylesha Macaraeg, Baguio City District Public Attorney Juliet Camuyot, Atty. Sheryl Anne Cabantac ng Benguet Provincial Prosecutor’s Office, Police Regional Office-CAR Women and Children’s Protection Desk Chief na si Police Captain Raquel Alonzo, at BJMP-CAR Legal Sector Chief JSINSP Dexter Ngipol bilang mga resource persons.

Nagbigay din ng mensahe si DSWD-CAR Regional Director Maria Aplaten na ibinahagi ni Asst. Regional Director for Operations na si Enrique Gascon Jr., na kanyang binigyang diin ang acronym na JUSTICE o Juvenile rights, Unity, Support system matters, Transparency in processes, Invest in preventive measures, Compensation in action, and Empower through education at naghayag ng kanyang lubos na pasasalamat sa lahat ng dumalo at sumusuporta sa pagprotekta ng mga Kabataan lalo na sa mga CICL.

Source: Philippine Information Agency Cordillera Administrative Region

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles