20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

PNP tukoy na ang kinalalagyan ni Quiboloy; KOJC gumagawa ng hakbang upang pigilan ang kapulisan

Sa pamamagitan ng makabagong kagamitan na tinatawag na Ground Penetrating Radar (GPR) ay natukoy ng Philippine National Police ang posibleng kinalalagyan ng wanted na pastor na si Apollo Quiboloy.


Sa dalawang araw na operasyon na ikinasa ng PNP upang ihain ang mga warrant of arrest laban kay Quiboloy, nadiskubre ng kapulisan ang mga “underground passage” at mga bunker na nagsisilbing lagusan at daanan ng mga opisyales ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).


Ayon kay Police Brigadier General Nicolas D. Torre III, hepe ng mga kapulisan sa Davao, sa pamamagitan ng GPR ay natuklasan nilang may mga buhay na indibidwal ang nagtatago sa mga bunker at mga lagusan sa ilalim ng lupa, at malapit na nilang matukoy ang kinalalagyan ni Quiboloy.


Ang GPR ay isang instrumento na gumagamit ng electromagnetic waves na kahalintulad ng ginagamit ng mga simpleng kagamitan sa bahay gaya ng radyo at microwave oven.
Sa pamamagitan ng mga waves na ito, matutukoy kung mayroong mga buhay na organismo na nakabaon sa lupa o sa pagitan ng mga makakapal na pader.
Ang GPR ay ginagamit din sa mga rescue operation at sinisigurong ligtas sa mga nabubuhay na hayop o tao.


Ang paggamit ng makabagong teknolohiya ng PNP ay bunsod ng impormasyong nagtatago si Quiboloy sa mga bunker na nasa ilalim mismo ng KOJC compound.
Samantala, habang isinasagawa ng kapulisan ang kanilang paghahanap ay nagsagawa ng protesta na ikinubli bilang “prayer rally” ang mga miyembro ng KOJC sa pangunguna ni “Ka Eric Celis,” isang dating kadre ng New People’s Army o NPA.


Ang pagprotesta ay tinambalan ng pagharang ng mga heavy equipment at mga sasakyan sa mga daanan at kanto, dahilan upang magkaroon ng mabigat na daloy ng trapiko papasok ng Davao International Airport.


Batay sa ulat ng PNP, anim sa mga kapulisan ang sugatan matapos silang atakihin ng mga nagproprotestang indibidwal kaninang madaling araw.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles