23.1 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

PNP at DOLE, naghatid ng tulong sa Pastoran-Sapinit Pangkabuhayan Association

Aabot sa Php700,000 halaga ng agricultural supplies ang iginawad ng 104th Maneuver Company RMFB 1, Eastern Pangasinan Filed Office 1 ng Department of Labor and Employment (DOLE), Lokal na Pamahalaan ng San Nicolas at mga kawani ng 6th District of Pangasinan sa Pastoran-Sapinit Pangkabuhayan Association (PSPA) nito lamang Marso 6, 2024 sa Sitio Sapinit, Barangay Fianza, San Nicolas, Pangasinan.

Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Bominic B Guerrero, Acting Force Commander ng RMFB 1 kasama si Police Captain Ronnel Balancod, Company Commander ng 104th Maneuver Company ang pamamahagi ng agricultural supplies na nakapaloob sa proyektong “Pangkabuhayan Alay Ni Mamang Pulis”.

Katuwang sa nasabing aktibidad ang LGU San Nicolas, mga kawani ng 6th District of Pangasinan, at si Atty. Charlene B Lagua, Eastern Pangasinan Field Office 1, Department of Labor and Employment.

Ayon naman kay Robert Padilla, Presidente ng Pastoran-Sapinit Pangkabuhayan Association (PSPA) na malaking tulong ang ipinagkaloob na pangkabuhayan para sa kanilang mga pamilya at sila ay nangangako na patuloy na magseserbisyo sa kanilang nasasakupan nang sa gayon ay mas gumanda at maging mas maginhawa ang kanilang pamumuhay.

Layunin ng aktibidad na makapagbigay ng maayos at maaasahang serbisyo publiko para sa lahat ng mga mamamayan, ano mang katayuan sa buhay, kasarian, edad, paniniwala o relihiyon tungo sa mas maunlad na Bagong Pilipinas.

Source:  104th Maneuver Company RMFB1

Panulat ni Sane Mind

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles