Patuloy na umaarangkada ang proyektong Plastik Palit Bigas ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles sa Brgy. Lourdes Northwest nito lamang Martes, ika-31 ng Enero 2023.
Ang naturang proyekto ay inilunsad ng City Government ng Angeles kung saan kinokolekta ang mga isang kilong plastik at pinapalitan ng isang kilong bigas.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Angeles sa paglunsad ng iba’t ibang programa para sa ikakabuti ng mga mamamayan at ikauunlad ng naturang lungsod.