Patuloy ang pag-arangkada ng Walang Plastikan-Plastik Bigas Project para sa mga residente ng Barangay Sapangbato nito lamang Biyernes, ika-28 ng Abril 2023.
Ang proyektong ito ay inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles City kung saan kinokolekta ang mga recyclable plastik sa mga residente at papalitan ito ng bigas.
Ang kapalit ng isang kilong plastik ay isang kilong bigas.
Ang proyektong ito ay naglalayong hikayatin ang mga mamamayan ng lungsod sa tamang paghihiwalay ng kanilang mga basura at bawasan ang paggamit ng plastik na nagdudulot ng polusyon at global warming sa bansa.