Patuloy ang pag-arangkada ng Walang Plastikan-Plastik Palit Bigas Project para sa mga mamamayan ng Angeles City nito lamang Lunes, ika-5 ng Disyembre 2022.
Ang proyektong ito ay inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles City kung saan kinokolekta ang mga recyclable plastik sa mga residente at papalitan ito ng bigas.
Ang kapalit ng isang kilong plastik ay isang kilong bigas.
Ang proyektong ito ay naglalayong hikayatin ang mga mamamayan sa tamang paghihiwalay ng kanilang mga basura at bawasan ang paggamit ng plastik.