21.5 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

Plastik Palit Bigas Project muling umarangkada sa Angeles City

Patuloy ang pag-arangkada ng Walang Plastikan-Plastik Bigas Project para sa mga residente ng Brgy. San Jose, Angeles City nito lamang Lunes, ika-19 ng Setyembre 2022.

Ang proyektong ito ay inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Angeles City kung saan kinokolekta ang mga recyclable plastic sa mga residente at papalitan ito ng bigas.

Ang kapalit ng isang kilong plastik ay isang kilong bigas.

Ayon kay IC Calaguas, Chief Adviser ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., ang mga kinolektang plastik ay gagawin itong ladrilyo na magagamit rin ng naturang lungsod.

Ang proyektong ito ay naglalayong hikayatin ang mga mamamayan ng lungsod sa tamang paghihiwalay ng kanilang mga basura at bawasan ang paggamit ng plastik.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles