Tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng proyekto na Plastic Palit Bigas Project ng Angeles City LGU sa Sapalibutad, Angeles City nito lamang Miyerkules, ika-4 ng Oktubre 2023.
Ang naturang proyekto sa ilalim ng pangangasiwa ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City.
Kaya naman tuloy-tuloy ang pangongolekta ng mga residente ng sako-sakong basura sa kanilang nasasakupan kapalit ang ilang kilong bigas.
Nakakatulong ang naturang proyekto sa ating mga kababayan sa Angeles City sa kanilang pang araw-araw na pagkain at bawas na rin sa mga gastusin.
Samantala, nakakatulong din ito sa ating Inang kalikasan na mabawasan ang mga plastic na nakakalat at maiwasan ang pagbabara sa mga kanal.
Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Angeles City sa paghihikayat sa mga residente na bawasan ang paggamit ng mga plastic upang makatulong sa pangangalaga ng ating kalikasan at sa kabuhayan ng mamamayan.