14.4 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Plastic Palit Bigas Project tuloy-tuloy na umaarangkada sa Angeles City

Tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng proyekto na Plastic Palit Bigas Project ng Lokal na Pamahalaan ng Angeles City sa Barangay Virgin Delos Remedios, Angeles City nito lamang Biyernes, ika-22 ng Setyembre 2023.

Ang naturang proyekto ay sa ilalim ng pangangasiwa ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City.

Kaya naman tuloy-tuloy ang pangongolekta ng sako-sakong basura sa kanilang nasasakupan kapalit ang ilang kilong bigas.

Nakakatulong ang naturang proyekto sa ating mga kababayan sa Angeles City sa kanilang pang araw-araw na pagkain at bawas na rin sa mga gastusin.

Samantala, nakakatulong din ito sa ating Inang kalikasan na mabawasan ang mga plastic na nakakalat at maiwasan pagbabara sa mga kanal ng nasabing siyudad.

Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Angeles City sa paghihikayat sa mga residente na bawasan ang paggamit ng mga plastic upang makatulong sa pangangalaga ng ating kalikasan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles