Tuloy-tuloy na umaarangkada ang proyekto na Plastic Palit Bigas Project ng Lokal na Pamahalaan ng Angeles City sa Barangay Anunas, Angeles City nito lamang Lunes, ika-19 ng Hunyo 2023.
Ang naturang proyekto ay sa ilalim ng pangangasiwa ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City.
Ang mga residente ay nag-iipon ng mga iba’t ibang plastic kapalit ang isang kilong bigas na makakatulong sa kanilang pang araw-araw na pagkain at bawas na rin sa kanilang mga gastusin.
Nakakatulong din ang nasabing proyekto sa ating kalikasan na mabawasan ang mga plastic na nakakalat at maiwasan pagbabara sa mga kanal.
Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Angeles City sa paghihikayat sa mga residente na bawasan ang paggamit ng mga plastic upang makatulong sa inang kalikasan.