17.1 C
Baguio City
Tuesday, October 8, 2024
spot_img

Plastic Palit Bigas Project tuloy-tuloy na umaarangkada sa Angeles City

Tuloy-tuloy na umaarangkada ang proyekto na Plastic Palit Bigas Project ng Lokal na Pamahalaan ng Angeles City sa Barangay Mining, Angeles City nito lamang Biyernes, ika-30 ng Hunyo 2023.

Ang naturang proyekto ay sa ilalim ng pangangasiwa ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City.

Ang mga residente ay nag-iipon ng isang kilong plastic kapalit ang isang kilong bigas na makakatulong sa kanilang pang araw-araw na pagkain at bawas na rin sa kanilang mga gastusin.

Nakakatulong din ang nasabing proyekto sa ating kalikasan na mabawasan ang mga plastic na nakakalat at maiwasan ang pagbabara sa mga kanal.

Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Angeles City sa panghihikayat sa mga residente na bawasan ang paggamit ng mga plastic upang makatulong sa ating inang kalikasan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles