13.9 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Plastic Palit Bigas Project patuloy ang pag-arangkada sa Angeles City

Tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng proyekto na Walang Plastikan-Plastik Palit Bigas Project ng Angeles City LGU sa Barangay Sapangbato, Angeles City nito lamang Lunes, ika-23 ng Oktubre 2023.

Ang naturang proyekto ay sa ilalim ng pangangasiwa ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City.

Kaya naman tuloy-tuloy ang pangongolekta ng mga sako-sakong basura sa kanilang nasasakupan kapalit ang isang kilong bigas sa bawat isang kilong plastik.

Nakakatulong ang naturang proyekto sa ating mga kababayan sa Angeles City sa kanilang pang-araw-araw na pagkain at bawas na rin sa mga gastusin.

Samantala, nakakatulong din ito sa ating Inang kalikasan na mabawasan ang mga plastic na nakakalat at maiwasan ang pagbara sa mga kanal.

Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Angeles City sa panghihikayat sa mga residente na bawasan ang paggamit ng mga plastic upang makatulong sa pangangalaga ng ating kalikasan at sa mamamayan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles