Muling umarangkada ang Plastic Palit Bigas ng Pamahalaan ng Angeles City sa Brgy. Sapalibutad, Angeles City nito lamang Martes, ika-20 ng Disyembre 2022.
Ang naturang proyekto ay sa ilalim ng pamumuno ni Honorable Carmelo Lazatin, Mayor ng Angeles City.
Kaya nahihikayat ang mga residente na mag-ipon ng kanilang mga plastic bottles dahil ang isang kilong plastic ay kapalit ng isang kilong bigas.
Layunin ng proyekto na maging responsableng residente sa pagse-segregate ng kanilang mga basura at mabawasan ang paggamit ng mga plastic.