19.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Pistay Dayat Festival 2022

Ang Pistay Dayat Festival ay ipinagdidiriwang sa Lingayen, Pangasinan tuwing unang araw ng Mayo.

Ito ay pinangungunahan ng ama ng Pangasenense na si Gobernador Amado “Pogi” I. Espino III at ng kanyang pamilya.

Ang pista ay sinisimulan ng misa sa Capitol Beachfront bilang pasasalamat sa masaganang pag-ani ng isda sa karagatan ng Pangasinan.

Nagkakaroon din ng Street Dancing Exhibition kung saan nagpakitang-gilas ang Belyaw Street Dancers at Drumbeaters para sa mga bisita.

Kapana-panabik din ang kaganapan sa Paliket ed Gulpo kung saan mga sikat na banda tulad ng Itchyworms at marami pang iba ang nagtanghal para sa nasabing pagdiriwang.

Bukod sa pasasalamat sa biyayang bigay ng karagatan, ipinagdiriwang din ang Pistay Dayat Festival upang ipadama ang pagkakaisa ng bawat mamamayan ng Pangasinan.

Source: https://web.facebook.com/pangasinan.gov.ph/posts/370479525105145

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles