Patuloy na dinarayo ng mga dayuhan at maging mga lokal na turista ang pamosong Pinsal Falls na matatagpuan sa Brgy. Baballasioan, Sta. Maria, Ilocos Sur.
Ang Pinsal Falls ay binabalot ng isang mitolohiya na kung saan ng isang higanteng nagngangalang Angalo na naghahanap sa kanyang mahal na si Aran.
Sina Angalo at Aran ay lokal na bersyon nina Adan at Eba sa Rehiyong Ilocos.
Dumaan si Angalo sa kabundukan ng Pinsal sa paghahanap kay Aran na kung saan siya nag-iwan ng malaking marka ng kanyang yapak nang lumaon ay tinawag ng mga residente bilang “Tugot ni Angalo”.
Ang nasabing footprint ay isa na ngayong natural-made pool.
Ayon sa opisina ng Turismo ng Sta. Maria, Ilocos Sur, isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit patuloy na dinarayo ang Pinsal Falls ay dahil sa init ng kasalukuyang panahon.
Sa nasabing Falls ay maaaring magbabad at maligo sa may katamtamang lalim na parte nito.
Source: Sta Maria, Ilocos Sur Tourism
Panulat ni Malayang Kaisipan