16.5 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Pinsal Falls ng Sta. Maria, Ilocos Sur

Gusto mo bang mamasyal at magrelaks sa tourist attraction na may nakatagong kuwento? Tara na at tuklasin ang kuwento ng Pinsal Falls sa Brgy. Baballasioan, Sta. Maria, Ilocos Sur.

Ang Pinsal Falls ay matatagpuan sa pinakadulong bayan ng Sta. Maria. Sa kabila na ang   Pinsal falls ang pinakamalaking waterfalls sa Ilocos Sur ay napapaloob dito ang isang mitolohiya tungkol sa isang higanteng nagngangalang Angalo na hinahanap ang kanyang asawang si Aran na isa ring higante.

Sinasabi sa kuwento na sa paghahanap ni Angalo kay Aran ay napadaan siya sa Pinsal Falls na kung saan ay nakapag-iwan siya ng malaking marka ng kanyang yapak o ‘Tugot ni Angalo”, ang tawag ng mga kailokanohang naninirahan doon. Sa kasalukuyan, ang hugis yapak na dinarayo at pinaliliguan ngayon ng mga turista ay pinaniniwalaang yapak ni Angalo.

Kilala ngayon ang Pinsal Falls sa kanyang 85-foot waterfalls at sa tubig na napakalinaw. Tinatawag din itong “Twin Falls” sa kadahilanang nahahati sa dalawa ang waterfalls nito. Isa pa sa mga dinarayo ng mga turista dito ay ang mga natural na mini-pool sa taas ng falls na kinabibilangan ng yapak ni Angalo.

Mararating ang mga mini-pools sa pamamagitan ng pag-akyat sa bundok na kung saan mas makikita ang mas magandang tanawin ng falls.

Huwag mabahala sa pag-akyat sa bundok dahil ang mga ginawang daan ay may mga hagdan at may mga hawakan din para masiguro ang kaligtasan ng mga turista.

Credits to: Ilocos Sur Travel

                 : Pinsal Falls: DIY Travel Guide + Itinerary and Why Ilocos Sur is More

                   Than Just Vigan

Related Articles

2 COMMENTS

Comments are closed.

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles